COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NAGING matagumpay ang kauna-unahang Konsiyerto Sa Palasyo ng Malacanang nitong nakaraang Sabado na binansagang Awit Ng Magiting. Ito ay proyekto ng ating kasalukuyang Pangulong Bongbong Marcos na sa unang pagkakataon ang makikinabang dito ay ang ating mga Arm Forces of the Phiippines .
Ito ay ginanap sa malawak na hardin ng Malacanang Palace at ang mga nag-perform ay nagmula pa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Kung natatandaan ninyo, isa ito sa priority na binanggit ni PBBM sa kanyang SONA na maraming magagaling na talents ang Pilipinas at ang unang pinadapa ng pandemya ay ang showbiz at huling nakabangon.
Kung sabagay noong panahon ng ama niya ay hindi pinabayaan ng dating Unang Ginang Imelda R Marcos ang showbiz industry.
Ayon kay Cris Villongco, Creative Head, balak nilang gawin ito every three months. Dinaluhan din ito ng mga celebrity reservist gaya nina Ronnie Liang, Geneva Cruz, at Arci Munoz. Dumalo rin si Florante na nag-perform din.