Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame Sugar Mercado

Sugar ipinagtanggol si Willie, ‘di totoong ibinabahay 

MA at PA
ni Rommel Placente

SA isang interview ni Sugar Mercado, idinenay niya ang tsismis na kaya umano siya matagal nawala sa sirkulasyon ay dahil  ibinahay umano siya ni Willie Revillame.

Sina Willie at Sugar ay nagkakilala nang maging co-host noon ng una ang huli sa Wowowin.

Sabi ni Sugar, “Alam mo si Kuya Wil lahat naman ay tinutulungan niyan, ever since the world began, alam ninyo ‘yan.

“ Ako ha, sorry ha, pero malaki ang naitulong niya sa akin, sa mga anak ko at sa ibang tao. Hindi lang po ako. Kilala po kasi si Kuya Wil na ganoon siyang klase na tao.”

Sa ngayon ay wala nang tulong na natatanggap si Sugar kay Willie dahil hindi na naman sila magkasama sa show.

“Ay hindi na! Siyempre iba na ‘yun! Ano ‘yun dyowa? (sabay tawa!) Huwag ninyo akong lituhin sa tanong ninyo, hindi kayo magwawagi sa sasabihin ko. Hindi, kasi ‘yun ‘yung nasa puso ko, eh. Nasaksihan ko kung paano niya kami tinulungan. ‘Yan sina Mama Donita Nose, sina Ara Arida, ‘yung mga nakasabayan ko sa pagho-host sa kanya. Lahat kami ay natulungan nya.

“Natulungan niya ako noong panahong naghiwalay kami ng ex ko. Kinupkop niya ako sa estasyon n’ya. ‘Yung mga panahong nawawala ako at makakabalik ako, ‘yung ganoong klase. Hindi naman lahat nabibigyan ng ganoong pagkakataon. ‘Yun palang utang na loob ko na sa kanya ‘yun. At habambuhay ipinagdarasal ko siya, ipinagdarasal namin siya. Hindi ako perpektong tao, may attitude rin ako minsan, pero ang importante ay ‘yung nilalaman ng puso ko,” aniya pa.

Ayan, sa mga intrigero’t intrigera, malinaw ang sinabi ni Sugar, na tinutulungan lang siya noon ni Kuya Wil.  Ang ibang mga tao kasi, binibigyan ng malisya ang ginagawang pagtulong ni Kuya Wil lugar na matuwa na  lang sila na marami itong natutulungan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …