Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Binene Barbie Forteza

Bea nakiusap ‘wag intrigahin pagkakaibigan nila ni Barbie

MA at PA
ni Rommel Placente

WALANG katotohanan na inggit na inggit ngayon si Bea Binene sa kasikatang tinatamasa ng kaibigan niyang si Barbie Forteza dahil sa tagumpay ng serye nito na Maria Clara at Ibarra.

Ayon kay Bea, masaya siya sa nangyayari sa showbiz career ni Barbie pati na rin sa ka-loveteam nitong si David Licauco na talagang biglang sumikat nang dahil sa karakter niyang Fidel sa MCAI.

Sabi ni Bea, “Sobrang proud ako sa ‘Maria Clara at Ibarra’ at saka sa kanila ni David.”  

Ayon pa kay Bea, solid pa rin ang friendship nila ni Barbie at may communication pa rin sila hanggang ngayon. Kaya naman nakiusap siya sa mga netizen na huwag na silang gawan ng intriga.

“Hindi lang po talaga kami nakakalabas ulit kasi nga, sobrang mga naging busy. Sobrang tagal na po naming hindi nagkikita.

“Pero ‘yun, consistent kapag may birthday, maggi-greet, ‘yung magla-like, babati, magko-comment sa Instagram and Facebook stories.

“Ganoon po talaga. At saka hindi lang si Barbie, pati ‘yung mommy niya, si Tita Amy,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …