Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wanted na rapist nasakote sa Bulacan

Wanted na rapist nasakote sa Bulacan

Sa ika-anim na araw ng sanglinggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Unit (SACLEO) operation ng Bulacan PNP, ay isang wanted na rapist ang matagumpay na naaresto sa Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala ni Police Lt.Colonel Gilmore Wasin, hepe ng Pandi MPS, kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang arestadong rapist ay kinilalang si Bartolome Madrid, 47, tubong Cebu Ctiy at kasakuyang naninirahan sa B67 L1 Pandi Heights, Bitukang Manok, Brgy. Cacarong Matanda, Pandi, Bulacan.

Si Madrid na nasa Top 5 Most Wanted sa municipal level ay dinakip ng mga oeratiba ng Pandi MPS kasunod ng warrant na inilabas ng Family Court Branch 6, Sta. Maria, Bulacan, para sa krimeng Statutory Rape.

Napag-alamang matapos masampahan ng kasong panggagahasa ay nagpakatago-tago ang akusado hanggang gawing kanlungan sa pagtatago ang bayan ng Pandi.

Subalit hindi siya nakaligtas sa matatalas na mga operatiba ng Pandi MPS at natunton siya na nagresulta sa kanyang pagkaaresto.

Ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Pandi MPS habang inihahanda ang mga kinakailangang dokumento para sa kanyang paglipat sa hukuman na may hawak ng kaso kung saan naganap ang krimen. (Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …