Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Apat na most wanted na pugante sa Central Luzon, nasakote

Apat na indibiduwal na nakatala bilang most wanted at pinaghahanap ng batas sa iba’t-ibang krimen ang naaresto ng kapulisan sa Central Luzon sa magakakahiwalay na manhunt operations kamakalawa.

Sa Bataan, si Rene Boy Gulpi y Ramirez, 23, na Most Wanted Person (MWP) at residente ng Brgy. Gugo, Samal, Bataan ay arestado ng mga operatiba ng Samal MPS sa bisa ng warrant of arrest para sa apat na bilang ng kasong Statutory Rape.
Sa Bulacan, ang mga operatiba ng San Miguel MPS ay nadakip si Rizaldy Salvador y Ramirez, 48 , Top 8 Most Wanted person sa San Miguel, Bulacan para sa krimeng “Falsification by Private Individual and Use of Falsified Documents”, paglabag sa “Customs Modernization and Tariff Act” at “Anti-Smuggling Act of 2016”..
Sa Pampanga,ang magkasanib na mga operatiba ng Sto. Tomas MPS ay naaresto si Amiel Peñaflor y Pascual, Top 4 Municipal Level MWP, miyembro ng Sputnik Gang, 35, at residente ng naturang bayan, sa bisa ng Warrant of Arrest sa paglabag sa Section 11 Art II ng RA 9165 samantalang ang mga tauhan ng Mabalacat CPS, 302nd MC RMFB3 at Pampanga PMFC ay arestado si Herwin Martin y Pascual, 36, public school teacher at kasalukuyang naninirahan sa Mabalacat City para sa kasong Acts of Lasciviousness kaugnay sa Sec.5 (B) ng RA 7610.
Ayon kay PRO3 Director PBGEN JOSE S HIDALGO JR na ang mga nasabing pag-aresto ay nagpapakita na ang kapulisan sa rehiyon ay handang maglingkod at isilbi ang hustisya sa mga biktima ng krimen at maparusahan ang mga kriminal sa paglabag sa batas. (Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …