Nagbunga ang matinding pagpupunyagi ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Bulacan Provincial Field Unit at Malolos CPS nang maaresto ang indibiduwal na nasa likod ng sunod-sunod na nakawan sa mga convenience store sa Bulacan.
Kinilala ang suspek na si Eugene Mark Salvador, 26, isang kitchen staff, na naaresto dakong ala-1:30 ng hapon, Abril 17, sa Brgy. Mojon, Malolos City, Bulacan sa bisa ng 3 warrants of arrest (WOAs) para sa kasong Robbery with Violence Intimidation of a Persons (RPC Art 294).
Ang unang WOA ay inilabas ni Judge Carl B. Badillo, presiding Judge ng RTC, Judicial Region, Branch 102, Malolos City, Bulacan noong Mayo 24, 2022 samantalang ang dalawa pa ay inilabas ni Judge Lyn L. Llamasares-Gonzales, assisting Judge ng RTC, Third Judicial Region, Branch 78, Malolos City, Bulacan noong Oktubre 13, 2022 at Enero 6, 2022, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Napag-alamang si Solayvar ay suspek a mga serye ng robbry-holdup incidents na naganap sa Alpha Mart Convenience Store sa Angat, Bulacan noong Enero 25, 2022, at sa Guiguinto, Bulacan noong Pebrero 17, 2022.
Ang arestadong akusado ay nakatala bilang No2 Most Wanted Person (MWP) sa provincial level at No.7 at 8 Most Wanted Person (MWP) sa Malolos City, Bulacan.
Ang akusado ay pansamantalang nakadetine sa CIDG Bulacan Office habang hinihintay ang para sa pagbabalik ng mga nasabing warrants sa courts of origin.(Micka Bautista)