Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Briant Scott Lomboy Coco Martin

Briant Scott Lomboy, sobrang proud maging bahagi ng Batang Quiapo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

LABIS ang kasiyahang naramdaman ni Briant Scott Lomboy dahil part siya ng top rating TV series na Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Kuwento sa amin ni Briant Scott, “Nasa Batang Quipo po ako. Classmate po kami ni Lovi Poe, Conyo boy po ang role namin. Ako po si Raf dito.”

Aniya pa, “Sobrang saya ko po. Nagulat ako kasi pagkagising ko po ang daming missed calls ng manager ko, si Sir Tyronne Escalante. Noong nagkausap na kami, tinatanong kung nasa Laguna po ba ako and kung available ako that day.

“Kasi taping na pala agad, call time ko 12pm, eh nasa Biñan pa po ako mga 9:30am na po yun. Kaya talagang agad-agad sabi ko, ‘Sir laban po ako dyan’. Pagdating ko sa set nagulat ako, regular classmates pala kami.

“Grabe po yung experience na makasama yung mga beteranong actors natin.”

Dagdag pa ng aktor, “Ang sarap sa feeling dahil sobrang babait nila, para po talaga kaming family sa taping. Nakaka-proud na mapasali po sa Batang Quiapo.”

Nabanggit pa niya na napakabait katrabao ni Lovi at dream come true na maka-eksena niya si Coco.

“Sa Ang Probinsiyano pa lang gustong-gusto ko na po makatrabaho at maka-eksena si Direk Coco. Kaya hindi pa rin po ako makapaniwala, lalo nang naka-eksena ko siya talaga, na nagbatuhan kami ng linya,” masayang sambit pa ni Briant Scott.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …