Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Papa Mascot Ken Chan

Premiere night ng movie ni Ken Chan sinuportahan ng GMA executives

RATED R
ni Rommel Gonzales

PUNO ang Cinema 2 ng SM Megamall sa dami ng taong sumuporta sa premiere night ng pelikulang Papa Mascot na bida si Ken Chan.

Lubos po akong nagpapasalamat dahil pinayagan po ako ng aking management, GMA Network at Sparkle management po, na gumawa ng klaseng ganitong materyal,” unang madamdaming pahayag ni Ken.

Lingid po sa kaalaman ng lahat na talagang pagdating po sa TV, may mga limitasyon po.

“Ang paggamit ng mga bad word. Ang paggamit ng sigarilyo, ah talagang hindi po natin iyan maipakikita sa TV.

“Pero nagkaroon po ako ng kalayaan bilang isang aktor na maipakita ‘yung matagal ko nang kinikimkim bilang isang aktor. At nailabas ko po rito sa pelikula.

Isa itong materyal na matagal ko nang pinapangarap at ipinagdarasal na magkaroon.

“At tinupad po ‘yon ng Wide International Film, ni direk Louie Ignacio, at siyempre ni Lord.”

Makailang ulit nagmura at nanigarilyo si Ken sa pelikula, deglamorized din siya sa pelikula dahil madalas ay marungis, marumi at may  bigote at balbas si Ken.

Kanina nga po, habang pinapanood ko ‘yung pelikula, hawak-hawak ko ‘yung mga sigarilyo, nasa likod ko po si Miss Lilybeth, tumitingin po akong ganoon.

“Tinitingnan ko po kung ano ang reaksiyon niya.”

In full force ang mga taga-GMA sa red carpet premiere tulad ni GMA SVP for Entertainment Group na si Lilybeth G. Rasonable.

But I’m really happy na nagustuhan po nila. And ang sarap po sa pakiramdam na makagawa ng mga ganitong pelikula na may aral, relatable, at masarap gawin.”

Ikalawang pelikula na ito ni Ken na with direk Luisito “Louie” Lagdameo Ignacio.

Una ay ang MMFF 2021 entry nila ni Rita Daniela, ang Huling Ulan sa Tag-araw.

Pagpapatuloy pa ni Ken, “For sure, ilalaban ito ni direk Louie sa mga festival hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.

“And ‘yun po, excited din po kami na mapanood siya hindi lang po rito sa Pilipinas kundi pati na rin po ng mga kababayan nating OFWs at mga kababayan po nating nasa ibang bansa, na mapanood nila ang ganitong pelikula.

“At masuwerte po, I feel so blessed and thankful that I was able to work with the icons of the industry, Kuya Gabby, Ate Liza, you know, Miss Sue, at marami pang iba.

“I’m just so blessed, thankful. Erin, lnapakagaling. Nandito ang pamilya ni Erin!

“I know na proud na proud po kayo sa inyong little angel, you know. At ‘yun po, sana, dasal ko na makagawa pa ang Wide International ng mga pelikulang kagaya nito. Salamat po. Thank you.”

Ang six-year old na si Erin Rose Espiritu ang gumanap bilang anak ni Nico (karakter ni Ken) na si Nicole at may mahalagang papel rin sina Gabby Eigenmann, Liza Diño, at Sue Prado, among others.

Line produced ni Dennis Evangelista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …