Sunday , December 22 2024
Jillian Ward

Jillian niregaluhan ang sarili ng lote

RATED R
ni Rommel Gonzales

NIREGALUHAN ni Jillian Ward ng lupain ang sarili niya nitong 18th birthday niya last February 25.

Bukod pa ito sa kanyang napakabonggang debut party sa Cove sa Okada Manila na birthday gift din ng dalaga sa sarili.

Unang-una po, ‘yung debut ko po kasi naging big celebration po siya, so iyon po, naging gift ko po siya sa sarili ko, gift siya sa akin ni Mama’t Papa dahil nakasama ko po lahat ng mga mahal ko sa buhay din, pumunta po sila.

“And a few weeks after my birthday po bumili po ako ng lote, kasi si Tito Dominic sobrang influential po niya sa utak ko, na sabi niya po, ‘You should invest, bumili ka ng lote, magpagawa ka ng ganito, ganyan’, so naisip ko po, ‘Mama gusto ko pong gawin ‘to kasi feeling ko po it would be good for my future.’

“And si Mama’t Papa naman po sobrang understanding, kapag nga po mayroon silang ini-invest talagang tinatanong po nila ako, ‘yung side ko, ano po ‘yung gusto ko for my future, ganoon, so ayun po,” kuwento sa amin ni Jillian.

Kasama ni Jillian ang aktor na si Dominic Ochoa (bilang si Michael Lobrin) sa Abot Kamay Na Pangarap na top-rating series ng GMA.

Sa direksyon ni LA Madridejos, mapapanood din dito sina Carmina Villarroel bilang Lyneth Santos, Dina Bonnevie bilang Giselle Tanyag, Richard Yap bilang RJ Tanyag, Pinky Amador bilang Moira Tanyag, Kazel Kinouchi bilang Zoey Tanyag, Wilma Doesnt bilang Josa Enriquez at marami pang iba.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …