Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gabby Eigenmann voltes v

Gabby naniniwala at gustong makakita ng alien

RATED R
ni Rommel Gonzales

NANINIWALA si Gabby Eigenmann sa aliens.

Sa Voltes V: Legacy ay gumaganap si Gabby bilang Commander Robinson na leader ng hukbong sandatahan na nagtatanggol sa mundo natin laban sa mga alien.

Kaya tinanong namin si Gabby kung naniniwala siyang totoong may aliens dito sa mundo.

Yes! Before ako, parang to see is to believe, likewise if kahit sa mga ghost, sa mga ganyan.

“But ako, siyempre ‘pag nakita mo mas maniniwala ka pero hangga’t hindi mo nakikita… but like I feel  that there is, they exist. I feel that they exist.”

Paano kung mayroon nga at kamukha nina Martin del Rosario at Liezel Lopez na gaganap na mga alien na sina Prinsipe Zardos at Zandra sa Voltes V: Legacy?

Sana ganoon. I wouldn’t mind meeting them, ‘di ba,” ang tumatawang pagtatapos ni Gabby na kagagaling lamang sa isang tatlong linggong bakasyon sa Los Angeles sa Amerika dahil binisita niya ang kanyang mga kapatid, pinsan, at grandparents.

Mapapanood na ang Voltes V: Legacy ngayong Mayo sa GMA Telebabad pero bago iyan, simula sa April 19 ay mapapanood ang special edit ng mga episode sa unang tatlong linggo.

Ang mga bida at miyembro ng Voltes V team ay sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortegabilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert, at Raphael Landichobilang Little Jon.

Mapapanood din dito sina Neil Ryan Sese bilang Dr. Hook, Epi Quizon bilang Zuhl, Albert Martinez bilang Dr. Richard Smith, Max Collins bilang Rosalia, Carlo Gonzales bilang Draco, at Dennis Trillo bilang Ned Armstrong, sa direksiyon ni Mark Reyes.

Bukod sa Voltes V: Legacy ay kasama rin si Gabby sa cast ng pelikulang Papa Mascot na bida si Ken Chan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …