Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Akira Jimenez Jojo Veloso

Akira Jimenez, thankful sa manager niyang si Jojo Veloso

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO si Akira Jimenez na dream come true sa kanya ang makapasok sa mundo ng showbiz. Pangarap daw niya ito talaga at nang mabigyan ng pagkakataon ay sinamantala na ito ng sexy actress na madalas mapanood sa Vivamax.

Sambit ni Akira, “Wish ko po ay makilala po ako sa showbiz. kahit na backround o sexy role or laging nude ayos lang po, hehehe. Kasi bata pa lang po talaga ako pangarap ko na mag-artista…

“Nakakakilig lang po dahil ngayon kahit extra-extra sa Viva, kahit kaunti lang shot ko po sa mga movie, thankful na po ako roon kasi kahit paano nakakamit ko nang paunti-unti ‘yung gusto ko po, yung dream ko po.”

Pahayag pa ng seksing alaga ni Jojo Veloso, “Kaya pasalamat po talaga ako na nakilala ko si Mami Jojo, dahil kahit minsanan lang po yung project, at least po nag-aabang sa akin ang mga tao at medyo nakakakilig kasi excited talaga silang mapanood ako.”

Naka-ilang movie na ba siya?

Aniya, “Ang mga nagawa ko na po ay ang Alapaap with Direk Brillante Mendoza, Boso Dos. Erotica Manila. Suki, at Sandwich, salamat po ng marami talaga mami Jojo Veloso.”

Recently ay napanood si Akira sa top rating TV series na Batang Quiapo na tinatampukan ni Coco Martin. Dito’y sobra siyang na-exite dahil naka-eksena niya si Boyet de Leon.

Ang susunod naman na aabangan kay Akira ay ang Karma na sa Netflix mapapanood very soon. Tampok dito sina Rhen Escaño, Sid Lucero and Roi Vinzon, with Krista Miller, Archie Adamo, Jasmine So, at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Albert Langitan.

Ano ang kanyang dream role?

Esplika ni Akira, “Iyong dream role ko talaga, gusto ko po yung napagdaanan ko sa buhay. Kasi, madrama po talaga ang buhay ko kaya bagay na bagay sa akin ang drama.

“Kasi, parang mapipick up ko talaga kung ano gagawin ko sa kuwento, na tipong sexy drama po na inaapi, na kahit ganoon iyong pinagdaanan ko. maa-achieve ko pa rin pala yung dream ko na maging artista.”

Masayang pahabol pa ni Akira, “Kaya po ‘pag may project po na maibibigay si Mami Jojo sa akin, sobrang excited ako agad na kahit puyat po ay go lang talaga.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …