Apat na indibiduwal na kabilang sa most wanted persons ang magkakasunod na naaresto sa patuloy na manhunt operations ng pulisya sa Bulacan kamakalawa, Abril 16.
Batay sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, sa inilatag na manhunt operation ng tracker teams ng Bulacan 1st PMFC, Guiguinto MPS MPS, Aliaga MPS NEPPO, PNP AKG Luzon Field Unit, at 301st MC RMFB 3 ay unang naaresto ang isang wanted person sa Nueva Ecija na nagtago sa Bulacan..
Kinilala ang akusado na si Jomer Contreras, na arestado para sa kasong Rape na walang itinakdang piyansa ang hukuman para siya ay pansamantalang makalaya.
Si Contreras ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilbas ng Family Court, Branch 8, Cabanatuan City, Nueva Ejica na may petsang April 3, 2023.
Sa kahalintulad na operasyon na inilatag ng mga tauhan ng San Rafael MPS, Bulacan 2nd PMFC, Malolos CPS at Angat MPS ay nagresulta sa pagkaaresto kina Bitara Angelo alyas Barok ng Capalonga, Camarines Norte, para sa krimeng Murder; Alvin Sumaway ng San Roque, Angat, para sa kasong Robbery; at Rumar Panghubasan ng Longos, Malolos, para sa paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004).
Ang apat na arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting unit at police stations para sa angkop na disposisyon. (Micka Bautista)