Monday , December 23 2024
Sining sa Hardin Bulacan Art in the Park at Konsierto ng mga Artistang Bulakenyo

Mga artistahing Bulakenyo magpapamalas ng talento

Tatlong araw na eksibit ang isasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office – Arts and Culture Division na pinamagatang “Sining sa Hardin: Bulacan Art in the Park at Konsierto ng mga Artistang Bulakenyo” mula Abril 14-16, 2023, alas 10:00 ng umaga sa Mini Forest sa Provincial Capitol Compound sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Dalawampu’t apat na music performers ang magtatanghal ng makulay na sining ng Bulakenyo kabilang ang Hiyas ng Bulacan Provincial Band, Frolic Nerve, The Art Corner PH, Kardobente Uno, Yort, Trixie Dayrit, Benn Music, Bagumi, Episode III, Pax Machine, Von Lucero, Daloy Kolektibo, Sweet December, Drivenback, Why Loras, Paul de Guzman, The Libras, BulSu Liveband, Kross Path, Omanaki, Acoustic Soulmate, Citrus Blend, Ferry Baltazar at Strings of Madala.

Bukod dito, 14 na art groups din ang lumahok sa nasabing eksibit kabilang ang Artists Guild of Sta. Maria (AGOS), Alyansa ng Sining Biswal ng Guiguinto, Association of Quingua Artists, Bahaghari ng Malolos, Bahaysining, Baliuag Art Group, Bulakan Artist Circle, FOCUS Bulacan, Graffiti Artists, Grocery, Lumina, San Rafael Artists Group at Sining at Galing ng Santa Maria (SINAG).

Samantala, hinihikayat ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga mahilig sa sining at musika na suportahan ang mga lokal na artista at musikero dahil sila ay itinuturing na tanglaw na nagbibigay liwanag sa walang katulad na sining ng mga Bulakenyo.

“Tangkilikin, suportahan at pahalagahan po natin ang ating mga Bulakenyong alagad ng sining na ito man ay sa larangan ng likhang sining, musika o kasaysayan. Tulungan po natin silang itanghal ang pagpapahusay ng mga Bulakenyo upang patuloy na magliwanag ang kadakilaan ng Lalawigan ng Bulacan,” ani Fernando. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …