SA pinakaunang musical stageplay ni Anthony Rosaldo na Ang Huling El Bimbo ay may mga dance sequence siya bukod sa pagkanta.
Challenge ba sa kanya na sumayaw habang kumakanta?
“Challenge rin po kasi within the musical po kasi maraming scene po tapos bilang ako po si Hector Samala, isa po ako sa lead so, kaunti lang po ‘yung time ko to breathe.
“Talagang dire-diretso po ‘yung scenes ko, magkakatuhog po.
“So ‘yung sayaw po talagang nakaka-challenge po, hingal na hingal po talaga ako kasi dire-diretso po siya. After kong sumayaw kaunting scene tapos sasayaw na naman so parang talagang ‘yung stamina ko kailangan ko pong palakasin.
“And also I have to be physically fit always, kasi mahirap nga po talaga.
“It’s a challenge to dance, and sing and act at the same time.”
At dahil nga physically fit si Anthony, biniro namin siya na mas lalong darami ang post niya ng shirtless na mga litrato sa kanyang Instagram account.
“Tama,” at tumawa si Anthony, “nag-start na nga kasi ano eh, alam niyo I lost weight, like parang three kilos po ‘yung nabawas sa akin dahil kaka-rehearse lang po.
“And good thing naman gusto ko naman po ‘yung pumayat ng kaunti so, maganda rin po na naging araw-araw ‘yung rehearsal kasi na-praktis po ako at the same time po nakuha ko po ‘yung physical aesthetic na gusto ko.”
Mapapanood ang Ang Huling El Bimbo musical play simula sa April 21.
Mapapanood ito tuwing Biyernes at Sabado, 8:00 p.m. at may matinee performances naman tuwing Sabado at Linggo, 3:00 p.m..
Si Dexter Santos ang direktor ng Ang Huling El Bimbo musical play na gaganap si Anthony bilang Hector Samala at mapapanood sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts. (Rommel Gonzales)