Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeline Quinto Sylvio Nonrev Daquina

Angeline naluha nang magsalita ng ‘Mama’ ang anak na si Sylvio

ONE year old na sa April 27 si Sylvio, ang baby boy nina Angeline Quinto at fiancé niyang si Nonrev Daquina.

Nakakabawi na raw si Angeline sa puyatan sa pag-aalaga sa kanyang anak.

“Medyo okay naman na po, nakakabawi na po ulit ng tamang tulog. Unlike kasi noong ilang buwan pa lang, noong newborn pa lang po si Sylvio, roon ako medyo nahirapan.

“Pero ngayon at least nakapagtrabaho na po ulit ako, so, nakatatanggap na rin ng work.”

Ano na ang mga milestone so far habang lumalaki si Sylvio?

“Marami na po. Pero ang unang-unang na-witness ko po talaga ‘yung nagsalita siya ng mama, at nandoon ako.

“Parang hindi ko alam ‘yung magiging pakiramdam, ganoon pala talaga.

“Naiiyak ako sa tuwa noong narinig ko. ‘Yung gusto ko siyang paulit? ‘Ano yun, Sylvio?’ Mama, Mama, Mama.’

“Tapos sabi nila, ‘Ay naku mas magiging malapit sa iyo ‘yan kasi unang tinawag ka, hindi ang Papa’, ganoon daw po ‘yun.

“Sobrang plus points po iyon bilang nanay.”

Ngayong isa na siyang ina, ano ang nadiskubre ni Angeline na hindi niya alam dati, na ikinagulat niya?

“Hindi po pala talaga madali ang maging nanay. At saka ‘yung pagiging nanay parang hindi mo kailangang, alam mo ‘yun, parang hindi siya kailangang pag-aralan.

“Kasi ako sa totoo lang po, noong ipinanganak ko si Sylvio, takot na takot akong hawakan siya kasi ang liit-liit. Tapos sabi sa akin niyong isang Nurse na nagbantay po sa akin sa ospital, ‘Ma’m hindi kita tuturuan, subukan mo lang.’

“Tapos ganoon, pagbuhat ko sa kanya marunong pala ako!

“‘Yung mga ganoong bagay, na ang pagiging nanay pala automatic ‘yan. ‘Pag nakita mo ‘yung bata magagawa mong lahat.

“So medyo mahirap din po na maibalanse ‘yung oras sa trabaho at pagiging nanay pero kinakaya, sa tulong din ni Nonrev, kasi minsan ‘pag wala po ako sa bahay siya talaga ‘yung nakatutok kay Sylvio.”

May business sina Angeline at Nonrev, ang Twinqle baby products na ang mga produkto ay Top To Toe Wash, Atopic Soothing Lotion, Bar Soap, Stretchmark Oil, Outdoor Insect Spray, Diaper Rash Cream, Nursing Balm at Scar Serum. (Rommel Gonzales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …