Saturday , December 21 2024
Walk for Humanity Bulacan Red Cross

  5,000 Bulakenyo, makikiisa sa Walk for Humanity ng PRC

Bilang suporta sa marangal nitong kasaysayan sa larangan ng serbisyong makatao, hindi bababa sa 5,000 mga Bulakenyo ang makikiisa sa Philippine Red Cross-Bulacan Chapter sa programang ‘Walk for Humanity’ sa Sabado, Abril 15, 2023, 6:00 ng umaga sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos, Bulaca bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang ika-75 Anibersaryo.

May temang “PRC is always first, always ready, and always there in service for humanity”, magtitipon ang mga dadalo sa bakuran ng Malolos Sports and Convention Center at maglalakad patungong Bulacan Capitol Gymnasium kung saan gaganapin ang programa.

Bilang isa sa mga tagasuporta ng PRC, hinimok ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na suportahan at makiisa sa paglakad upang isulong ang mga adbokasiya ng organisasyon na makatulong sa higit na nangangailangang populasyon. 

“Sa loob ng 75 taon, ang Philippine Red Cross ay nakatuon sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyong nagliligtas sa buhay lalo na sa mga mahihirap na populasyon, at sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanila, nagbibigay din tayo ng suporta sa lahat ng ating kapwa na nangangailangan ng tulong, sa mga mahihina. Makiisa tayo sa kanila at isulong ang pagiging makatao, halina’t magligtas ng buhay,” anang gobernador.

Dadaluhan ang programa nina Bise Gob. Alexis C. Castro, Kinatawan Lorna C. Silverio, tagapangulo ng PRC-Bulacan Chapter; Dr. Cecilia Gascon, pangalawang tagapangulo ng PRC-Bulacan Chapter, at iba pang mga stakeholder, volunteer at katuwang ng PRC.

Patuloy ang Philippine Red Cross sa pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa mga Pilipino tulad ng Blood Services, Disaster Management Services, Safety Services, Health Services, Social Services, Red Cross Youth at Volunteer Services.(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …