Monday , December 23 2024
DANIEL FERNANDO Bulacan

Bulacan, walang ASF simula umpisa ng 2023
FERNANDO, NAGLABAS NG EO UPANG PIGILAN ANG PAGPASOK NG BUHAY NA BABOY, MGA KARNE NITO SA LALAWIGAN

Bagaman walang kaso ng African Swine Fever (ASF) ang Lalawigan ng Bulacan simula umpisa ng 2023, inilabas ni Gob. Daniel R. Fernando ang Executive Order No. 13, series of 2020 o “An Order Prohibiting the Entry of Live Pigs and Its Meat Products Coming from Areas Affected by African Swine Fever (ASF) in the Province of Bulacan”.

Ayon sa gobernador, isinagawa ito upang siguraduhin na hindi maaapektuhan ang mga hakbang ng lalawigan upang muling padamihin ang bilang ng baboy at hindi masayang ang mga isinagawang aksyon.

“Since mayroon pong cases ng ASF sa ibang lalawigan lalo na sa gawing Visayas at dumadami ang hog traders na nagpapasok ng baboy sa ating lalawigan, kailangan natin itong i-regulate upang masiguro natin na hindi tayo mapapasukan ng mga ASF positive na baboy,” ani Fernando.

Base sa EO, ipatutupad ng lalawigan ang lubusang pagbabawal sa buhay, katay, luto, at iprinosesong karne ng baboy na magmumula sa mga lugar na apektado ng ASF na idineklara ng National Task Force for Prevention of ASF at ibang pang ahensya ng pamahalaan; habang kailangan munang kumuha ng letter of acceptance mula sa Provincial Veterinary Office (PVO)  ang magbibiyahe mula sa pink at green zones o iyong mga mula sa buffer, protected, at free zones na may kasamang negatibong resulta ng ASF test na hindi tatagal ng higit sa dalawang linggo mula sa oras ng pagbiyahe bago payagang makapasok sa Bulacan.

Gayundin, patuloy ang pagsasagawa ng PVO ng surveillance sa mga backyard raiser mula sa iba’t ibang lungsod at bayan; habang nagsasagawa ng test ang mga commercial farms at isinusumite ang resulta nito sa PVO.

Nagsagawa rin ang tanggapan ng Biosecurity Seminar para sa mga magsasaka mula sa lahat ng bayan at namahagi ng disinfectants upang pagbutihin ang biosecurity ng backyard farmers upang tulungan sila na umiwas sa ASF.(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …