Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Sa Pampanga
RAPIST, KAWATAN NASAKOTE

NADAKIP ang dalawang indibiduwal na nakatala bilang most wanted person sa lalawigan ng Pampanga sa magkahiwalay na operasyon nitong Lunes, 10 Abril.

Isinagawa ang ng magkasanib na operating troops ng RMFB3 katuwang ang Floridablanca MPS at iba pang konsernadong police unit ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa suspek na kinilalang si Mario Simon, Top 7 Regional Level MWP sa Brgy. Gutad, sa bayan ng Floridablanca, para sa kasong rape na inilabas ni Presiding Judge Maria Concepcion Araniego Yumang, ng Guagua, Pampanga RTC Branch 53 na walang inirekomendang piyansa.

Gayundin, naaresto ang isa pang suspek na kinilalang si John Marvin Hernandez, Top 4 Municipal Level MWP ng magkasanib na mga elemento ng Porac MPS katuwang ang iba pang concerned police units sa inilatag na  manhunt operation sa Brgy. Mabiga, sa lungsod ng Mabalacat para sa kasong Qualified Theft na inisyu ni Presiding Judge Benigno Abila, ng Angeles City RTC Branch 117 na may inirekomendang P48,000 piyansa.

Ayon kay PRO3 Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., ang kapulisan ay patuloy sa maigting na kampanya na matunton ang mga indibiduwal na pinaghahanap ng batas para mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko sa rehiyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …