Saturday , May 17 2025
Bulacan Police PNP

Sa loob lamang ng isang araw
35 KRIMINAL SA BULACAN ARESTADO NG BULACAN POLICE

Sa pinaigting na operasyon ay tatlumpu’t-limang (35) kriminal pa ang naaresto ng pulisya sa Bulacan sa loob lamang ng isang araw, Abril 11.

Batay sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP,  sa ikinasang anti-illegal drug operations ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Meycauayan, San Jose Del Monte, San Ildefonso, Bocaue, Norzagaray C/MPS,  ng magkasanib na mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit, Plaridel MPS, SOU3-PDEG,  Malolos CPS at SOU3-PDEG ay 22 personalidad sa droga ang nadakip.

Nakumpiska sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad ang kabuuang  67 pakete ng pinaghihinalaang  shabu, assorted drug paraphernalia, at buy-bust money.

Ang mga arestadong suspek ay at mga kumpiskadong piraso ng ebidensiya ay dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) para sa angkop na pagsusuri samantalang kasong kriminal para sa paglabag sa  R.A. 9165 ang kasalukuyang inihahanda laban sa kanila para ihain sa korte.

Sa patuloy namang manhunt operations ng tracker teams ng Meycauayan, San Jose Del Monte, Guiguinto, Obando, Bulacan CIDG PFU, mga tauhan ng Bulacan 2nd PMFC, Bustos at Bulacan 2nd PMFC,  Bulacan 1st PMFC, Angat, Guiguinto at RMFB 3 ay naaresto ang 13 wanted na mga pugante.

Lahat ng arestadong akusado ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/station para sa nararapat na disposisyon habang inihahanda na ang mga kasong kriminal laban sa kanila na isasampa sa korte.(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

Zia Alonto Adiong Leila de Lima Chel Diokno Sara Duterte

Sa House prosecution panel
De Lima, Diokno lalong magpapalakas sa kaso vs VP Duterte – Chairman Adiong

KOMPIYANSA si House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation Chairman Zia Alonto …

COMELEC Vote Election

Partylist at ilang grupo nanawagan ng malawakang imbestigasyon sa halalan, at sa Miru Systems

NANAWAGAN ang ilang concerned citizens at partylist na magsagawa ang Malacañang ng isang malawakang imbestigasyon  …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Guide Gabayan 2025 Isang Makabuluhang Paglalakbay para sa 55 Espesyal na Bata ng Itogon

Gabayan 2025: Isang Makabuluhang Paglalakbay para sa 55 Espesyal na Bata ng Itogon

Itogon, Benguet — Isang makulay at makabuluhang kabanata ang isinulat ng Gabayan 2025, ang taunang …