Saturday , December 21 2024
Police Car

Sa Angeles, Pampanga
2 PULIS PANAY CELLPHONE SA DUTY, SINIBAK

SINIBAK sa puwesto ang dalawang pulis at inilipat sa ibang police unit matapos maaktuhan ni PRO3 Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr. na nagse-cellphone sa oras ng duty habang sakay ng patrol car sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.

Napag-alamang habang dumadaan si P/BGen. Hidalgo sa lungsod ng Angeles, natuwa siya nang makita ang presensiya ng patrol car mula sa hindi kalayuan at pilit na hinanap ang kinaroroonan ng mobile crew upang personal silang purihin.

Subalit nang lapitan ng opisyal ang patrol car, napansin niya na ang dalawang police officers na nasa loob ay abala sa kanilang mga cellphone at hindi napansin ang kanyang presensiya.

Kaagad niyang ipinag-utos ang pagsibak sa mga nasabing pulis kasunod ang paalala sa lahat ng police personnel na huwag balewalain ang kanyang direktiba na mag-pokus sa kanilang trabaho habang naka-duty at iwasan ang paggamit ng cellular phones at pagtulog habang nakaposte sapagkat oras na maaktuhan ay kaagad niyang sisibakin at ililipat sa labas ng kanilang kasalukuyang  provincial/city assignment.

Dagdag pa ng opisyal, sisibakin din niya ang police community precinct commanders at chiefs of police kung limang beses na ang kanilang mga tauhan ay mahuhuli na lumalabag sa nasabing kautusan at mabigong ipatupad ang disiplina sa kanilang mga nasasakupan.

“When policemen are not following orders from their superiors, it means that they cannot soundly manage or supervise their subordinates. That’s why I will relieve and replace them with officials who can discipline them. May this also serve as a warning to all our PNP personnel to stay focus on your assigned tasks, scan the environment and be security conscious and alert whenever in the field because being unattentive with your operational environment and the surroundings might pose risk or threats on your part and may even cost your lives,” dagdag ng Top Cop ng Central Luzon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Makapili Vlogger

Makabagong makapili, trolls, vloggers tinira ni Barbers

KINONDENA ng isang kongresista mula sa Mindanao ang tinagurian nitong “Makabagong Makapili” o mga Pinoy …

Mary Jane Veloso

OFW Mary Jane Veloso nakauwi na sa bansa

NAKAUWI na sa bansa ang napiit na overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng 14 …

121924 Hataw Frontpage

Meralco franchise kapag ‘di naamyendahan
PRESYO NG KORYENTE SA PH SISIRIT PA

MAHIGPIT na nanawagan ang isang consumer rights advocate sa Senado na baguhin o amyendahan ang …

Chavit Singson VBank

VBank inilunsad ni Manong Chavit

PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang …

121924 Hataw Frontpage

Sigaw ng labor at health workers  
HERBOSA SIBAKIN, PHILHEALTH SUBSIDY IBALIK

HATAW News Team ISANG malaking kilos protesta ang inilunsad ng isang koalisyon ng labor groups, …