Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Junar Labrador Ray An Dulay

Junar Labrador, kayang pagsabayin ang showbiz at pagiging arkitekto 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MULING napanood si Junar Labrador sa stage play na Martir sa Golgota ni Direk Lou Veloso sa nagdaang Holy Week. Ayon sa aktor/architect, naging panata na niya ito tuwing Mahal na Araw at isa rin itong paraan para magpasalamat sa Panginoon sa mga biyayang ibinibigay Niya.

Kabilang si Junar sa casts ng pelikulang The Revelation na pinangungunahan ni Aljur Abrenica at mula sa pamamahala ni Direk Ray An Dulay.

Inusisa namin si Junar kung ano ang pinagkakaabalahang acting job ngayon?

Wika niya, “Sa ngayon po ay naka-concentrate pa rin po ako sa paggawa ng commercials kapag maluwag ang aking schedule, dahil mas madali i-manage ang oras ko rito, kompara sa paggawa ng mga teleserye.”

Aniya pa, “Mayroon po akong nagawang movie last year na for showing this 2023, ito yung pelikulang “The Revelation” na pinangungunahan ni Aljur Abrenica at sa direksiyon ni Direk Ray An Dulay. Ito ay under House of Prime/Handheld Production.”

Kuwento pa niya, “Ang role ko sa Revelation ay isang real estate agent na magbebenta ng isang property kay Aljur, kung saan iikot ang istorya ng pelikula. Ito ay isang sexy crime-suspense thriller movie. Kasama rin dito sa pelikula sina Ms.Ana Jalandoni, Vin Abrenica, at Jelai Andres. 

“Nakagawa rin po ako ng isang commercial last year para sa Katialis Philippines. Wala pa po akong nagagawang commercial this year.”

Mahirap bang pagsabayin ang showbiz at pagiging architect?

Esplika ng aktor, “Time management lang po para mapagsabay ang showbiz career at ang propesyon ko. Ngunit mas matimbang pa rin sa akin ang pagiging architect, sapagkat ito ay pinaghirapan kong aralin sa loob ng limang taon at maipasa ang board exam para rito.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …