Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Judy Ann Santos-Agoncillo Sam Milby The Diary of Mrs Winters

Judy Ann ‘di nabigyan ng visa, shooting ng TDOMW maaantala

RATED R
ni Rommel Gonzales

INANUNSIYO mismo ni Judy Ann Santos na hindi muna sila matutuloy lumipad patungong Canada para sa shooting sana ng horror film na The Diary Of Mrs. Winters.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories ay nag-post ang aktres ng isang video na ibinahagi niya kung bakit hindi sila natuloy nitong nakaraang Marso na umalis ng bansa.

“Sa mga nagtatanong hindi po kami natuloy mag- Canada, hindi lumabas ‘yung visa ko, specifically, so it will be pushed back to next year.

“But all is good, all is good, all the production is good siguro sadyang hindi pa lang naaayon ang mga bagay-bagay.

“Sa pagkakataong ito, but you know sadyang maproseso lang ang mga ganap.”

Si Rahyan Carlos ang direktor ng pelikula na gaganap si Judy Ann bilang isang forensic cleaner at kasama rin dito si Sam Milby.

Ang The Diary Of Mrs. Winters ay mula sa produksiyon ng AMP Studios Canada at HappyKarga Films.

Samantala, sa ngayon ay balik-taping si Judy Ann para sa isang serye na hindi pa maaaring ibulgar ang mga detalye pero soon ay mababasa rin ninyo rito sa pahayagang ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …