Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Rey Malto

John Rey Malto, mas naka-focus bilang talent manager

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

DESIDIDO si John Rey Malto na mag-focus ngayon bilang talent manager. Siya ay kasalukuyang freelance talent manager sa showbiz industry sa iba’t ibang TV Networks tulad ng Sparkle GMA Artist Center, ABS CBN, at TV5. Siya’y bahagi rin ng iba’t ibang film productions at talent agency sa Pilipinas, bilang talent coordinator.

Ang kanyang talent agency ay Malto Celebrity Management. Ang ilan sa talents na nasa kanyang pangangalaga ay sina Euriz Sagum (TV5, GMA), Rexie Ramilo (ABS CBN, GMA), Maricar Aragon (ABS CBN), Xandra (commercial), Wondergirls of Cebu (performer/singer), at Rainalene Maclang (ABS CBN), Michay Sasaki, at iba pa.

Si John Rey ay tubong La Union at nagtapos ng  Bachelor of Arts major in Political Science at nagkaroon din ng ilang units sa Education sa Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) Mid-La Union Campus. Siya ay kumuha rin ng Photography course sa Lorma Colleges.

Siya  ay dating director ng International Modeling Competition sa Philippines noong 2018 at humawak ng mga models and talents.  Naging consultant/ambassador din siya ng isang prestigious talent agency at miyembro ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Siya ay naging Executive Producer din ng isang Online TV Channel.

Noong 2017, nagsimula siyang humawak ng mga modelo at beauty queen. Ginamit niya ang pagkakataong ito para ibahagi ang kaalaman at kakayahan sa kanyang mga imine-mentor na models at talents. Ito ang nagbukas sa kanya sa mundo ng showbusiness.

Ngayon ay nakatuon siya sa pagtuklas ng mga may talento upang maging  bituin balang araw, upang higit pang pagandahin at hubugin sila sa kanilang mga talento, kakayahan, at potensiyal. Kabilang dito ang mga aktor, mang-aawit, mananayaw, at modelo.

“Ang wish and payo ko po sa mga talent natin, huwag po tayong susuko, keep moving and still motivating sa mga naumpisahan na nating mga pagsubok… na anumang tagumpay na bago natin marating, keep on going lang. Ipagpatuloy lang nila ang kanilang pangarap na maging isang bituin balang araw,” sambit ni John Rey. 

Sa mga nagnanais at nangangarap maging artista, model, beauty queen, singer, dancer, at host, maaari ninyo siyang makontak sa kanyang social media account sa Facebook sa account na John Rey Malto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …