Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeremiah Tiangco

Jeremiah Tiangco may pa-sexy sa concert (ala-Harry Styles ng One Direction)

RATED R
ni Rommel Gonzales


MILESTONE sa career ni Jeremiah Tiangco bilang singer ang una niyang major concert sa Sabado, April 15 na gaganapin sa Music Museum, ang Dare To Be Different na guests niya sina Christian Bautista, Jessica Villarubin,  Garrett Bolden, Vilmark Viray, Mariane Osabel, This Band, The Viktor Project, Rob Deniel, Magnus Haven, at Ken Chan.

Si Jeremiah ang direktor ng kanyang sariling concert katuwang si Lee Junio Gasid.

Ano ang pakiramdam niya na sa dami nila sa Sparkle ay isa siya sa nabigyan ng importansiya tulad nga ng pagkakaroon ng major concert?

“Thankful lang ako dahil hindi ko alam na aabot kami sa ganito.

“Na mapu-pursue po talaga ‘yung plan. Kasi unang-una isa po ‘to sa mahirap eh, ‘yung i-execute ‘yung plan. Madaling magplano pero ‘yung i-execute ‘yung plan isa po ‘yun sa pinakamahirap.

“Kaya thankful po ako sa production, sa team ko, sa direktor ko kay Kuya Lee, at the same time sa Panginoon dahil siya po ang nagpo-provide lahat ng needs namin ng team,” sinabi ni Jeremiah.

Sa poster ng concert ni Jeremiah ay tila huma-Harry Styles ang kanyang outfit, flamboyant at out-of-this-world na maituturing ang karamihan sa isinusuot ng international concert performer at dating One Direction member sa kanyang shows sa iba-ibang bansa.

Sa concert ba ni Jeremiah ay sexy at medyo kakaiba rin ang kanyang mga isusuot?

“Siguro po medyo kakaiba, medyo mas more on R&B-type, parang mga street wear po, eh. Medyo ganoon po ‘yung style ng damit.

“So like kunwari sa coat, hindi lang siya basta coat, oversized, more colors, tapos… basta! Sobra-sobrang karakter kumbaga itong mga ginawa ng ating mga stylist.”

May mga outfit ba siyang kita ang kanyang…

“Skin,” ang pagsalo ni Jeremiah sa aming sasabihin. “Wala naman akong abs eh,” at tumawa ang Sparkle singer. “Pero skin yes, mayroon.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …