MA at PA
ni Rommel Placente
HABANG kumakanta si Jed Madela sa TikTok live niya noong Good Friday, may nag-comment sa kanya na ‘laos ka na.’
Nang mabasa ‘yun ni Jed, halata ang lungkot sa mukha niya. Pagkatapos niyang kumanta, sinabi niya sa basher niya, na nasaktan siya.
Good Friday pa naman daw, tapos makatatanggap siya ng ganoong comment.
At itinaon pa raw ang laos comment sa kanya, while singing a religious song.
At nag-Tiktok live raw siya, dahil wala siyang work, since Lenten season. At gusto niya lang din magpasaya sa kanyang audience/followers, at i-share ang kanyang music.
Pero pagtatangol ni Jed sa kanyang sarili, tumagal naman siya ng 20 years sa music industry.
Ang mga basher talaga, kahit Holy Week, walang patawad sa pamba-bash. Hindi na lang sila magtika sa kanilang mga kasalanan. At sa totoo lang, hindi pa laos si Jed, huh! Marami pa ring kumukuha sa serbisyo niya dahil mahusay siyang singer.