Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Bimby Josh

Bimby super proud sa mama niyang nadaragdagan na ang timbang — And still beautiful

MA at PA
ni Rommel Placente

IKINUWENTO ni Ogie Diaz sa publiko sa pamamagitan ng Showbiz Update vlog nila ni Mama Loi kasama si Tita Jegs, na umaayos na ang kalagayan ni Kris Aquino, na kasalukuyang nasa California, USA kasama ang bunsong anak na si Bimby.

Ito’y ayon mismo kay Bimby nang magkita sila ni Ogie sa USA.

Nasa Corona, California kasi that time si Ogie para dumalaw sa isang kaibigan. At  makikipagkita sana siya kay Kris, pero hindi ito pumwede, kaya si Bimby na lang ang nakipagkita kay Ogie.

Si Bimby kasama ang Chief of Staff ni Kris na si Alvin Gagui ang nakipagkita kay Ogie kasama ang kaibigan ng huli at kumain sila sa isang restoran.

Bungad ni Ogie sa pagkikita nila ni Bimby,“Tap on the second of all my Faustina I know everything even ever the football synonym dinner call.

“Of course! Wherever mom is, I’ll be there,” nakangiting sagot ni Bimby.

Pinuri ni Ogie ang mga anak ng kumareng Kris niya dahil dikit lahat ito sa nanay nila, “Of course!” sambit ni Bimby.

Dagdag ng binatilyo, “I told my mama that my wife will be the love of my world, and si mama love of my universe, ha!”

Sundot na tanong ni Ogie, “Pero ayaw pa ni mommy mo na mag-girlfriend ka?”

“Oh, ayaw pa, si Mama muna,” sagot ni Bimby.

Nang kamustahin ni Ogie si Kris kay Bimby, ang sabi nito,”Okey naman.You know stable, and of course still beautiful,” sabi ni Bimby.

Tumaas na raw ang timbang ni Kris.

She is now 103 (pounds), yeah 103, stable.”

Pagkarinig niyon, sinabi ni Ogie na good news ito para sa mga sumusuporta kay Kris, dahil dati-rati ay less than 90 pounds ito bagay na ipinag-aalala ng lahat.

Kahit 80 pounds si Mama, before 80 pounds, she’s still beautiful.  Beautiful mama ever para sa akin,” diin ni Bimby.

Magandang balita nga ito para sa mga nagmamahal kay Kris. At sana nga ay patuloy nang bumuti ang kanyang kalagayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …