MATABIL
ni John Fontanilla
SAGAD sa puso na sinagot ni Nadine Lustre ang mga katanungan ng mga netizen patungkol sa problemang puso na kalimitang pinagdadaanan ng bawat Filipino.
Ilan dito ang tungkol sa pakiki-pagrelasyon, na fall, na in love sa kaibigan at iba pa.
Isa sa mga katanungan ng netizens na sinagot ni Nadine ay ang tanong na, “I’ve been crushing on my friend for a long time na. Do I confess? Or wag na baka mawala ‘yung friendship?”
Na mabilis namang sinagot ng awardwinning actress sa isang video ng Cosmopolitan Philippines ng, “It could go both ways. I say wait a bit and kind of feel the whole situation and if you see him or her showing interest in you and then go ahead and try it.
“But if not naman, maybe it is not a good idea.”
Isa pang tanong na sinagot ni Nadine ay kung dapat bang naghahati ang mga magdyowa sa pagbabayad ng bill kapag nagde-date, lalo na kung hindi pa kasal.
Sagot ni Nadine, “Me rin if I’m on a date, kunwari it’s my partner who pays for the dinner tonight, or today, but then the next time I will make sure na I pay for it naman para salitan naman kami.”
Dagdag pa nito, “Parang kailangan ‘yun sa inyong dalawa. It can’t be ikaw lang palagi.
“Your partner has to be willing din to offer of course. Dalawa naman kayong nagbe-benefit dito, dapat nagse-share ‘di ba?”
At sa tanong tungkol sa mga magkarelasyon na nasa long distance relationship o LDR, ito namang ang sagot ni Nadine. “Communication is key. Communication is really important, you know, if you have down time and your partner has down time as well, spend time with each other.
“Watch a movie together, have a sit-down chat when you are not doing anything, and ask your partner how their day went, all that stuff. Kuwento, chismisan, because communication goes a long way
“It works wonders and the thing is because you’re far away from this person, this person doesn’t really see you and how you’re living your life and it’s good to share that,” pagtatapos ni Nadine.