Sunday , December 22 2024
Kuya Kim Atienza

Kuya Kim inaming ‘di takot mamatay

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Kim Atienza sa Fast Talk With  Boy Abunda,sinabi niyang kapag namatay siya at namaalam na sa mundo ay sa langit siya mapupunta at hindi sa impiyerno.

Ayon kay Kuya Kim, hindi raw siya natatakot mamatay at kahit kunin siya ni Lord anytime ay handang-handa na siya dahil lahat naman ng tao ay doon din ang ending.

“Hindi na ako takot mamatay, I can die today. Kasi alam ko kung saan ako pupunta. Alam kong pupunta ako sa langit. Not because I’m doing good acts, but because I have faith in Him and He died in the cross for me,” sabi ni Kuya Kim.

Pagpapatuloy ng TV host, “Because I have accepted Jesus Christ as Lord and Savior and repented for my sins.”

Kung sakaling mamamatay na siya ngayon, i-spend niya ang natitirang oras sa kanyang mga mahal sa buhay.

“Pupunta ko sa misis ko, yayakapin ko, sasabihin kong mahal ko siya. Kakausapin ko lahat ng anak ko na nasa America, at sasabihin ko kung gaano ko sila kamahal.

“Pupuntahan ko ang magulang ko, lahat ng tao na pwede kong sabihan na mahal na mahal ko sila, sasabihin ko sa kanila,” aniya pa.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …