Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tiffany Grey Robb Guinto Jiad Arroyo Quinn Carrillo Paupahan Vivamax

Tiffany at Jiad bibida sa Paupahan

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAPANLINLANG ang panlabas na anyo at ang mababangong salita. Sa pelikulang Paupahan, gaano kadilim kaya ang mundong papasukin sa oras na hindi makamit ang inaasahan? Mapapanood sa Vivamax, ito ay pinagbibidahan ng 2022 MMFF Best Supporting Actress Nominee Tiffany Grey bilang Analyn kasama rin sina Robb Guinto bilang Katherine at Jiad Arroyo bilang Nico.

Si Analyn ang landlady ng apartment ng kanyang lola na may sakit na dementia. Kitang-kita ang kanyang pagkasimple at mahiyain kaya naman madali siyang namanipula ni Nico, isang commercial model na umuupa sa apartment.

Napaniwala ni Nico na espesyal si Analyn sa kanya kahit na iba’t ibang babae ang iniuuwi niya. Kung madali para kay Nico na balewalain si Analyn, hirap naman siyang isantabi ang pakiramdam na parang may matang laging nakatutok sa kanya. 

Samantala, nabisto ni Analyn na ikakasal na pala si Nico nang may isang babaeng lumitaw at sinabing siya ang fiancé ng binata. Sa katunayan, si Katherine ay kagagaling lang sa abroad kaya naging LDR sila ni Nico.

Ngayong alam na niya ang totoo, may madilim na balak si Analyn. 

Sa likod ng mga dingding, ibang-iba si Analyn sa inosenteng babae na nakilala ni Nico. At mas matindi pa ang kanyang kayang gawin.

Ang Paupahan ay mula sa panulat ni Quinn Carrillo at direksiyon ni Louie Ignacio. Available for streaming sa April 8, 2023. Hindi mo dapat palampasin. 

(Rommel Gonzales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …