Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
David Licauco Barbie Forteza

David natutunan na mahalagang nakikipag-usap sa mga mahal sa buhay

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANG Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Lady & Luke na pinagbibidahan nina David Licauco at Barbie Forteza ay tungkol sa sumpa, karma, suwerte, at kamalasan pero hindi naniniwala sa sumpa, sa suwerte at sa kamalasan ang aktor.

Kaya given na rin na wala pa siyang naisumpang sinuman kahit galit na galit siya rito.

Wala pa po, wala pa. Baka next time… joke!

“Wala pa.”

Eere ang finale episode ng Lady & Luke sa Linggo, April 2, sa direksiyon ni Rico Gutierrez.

Nasa cast din ng Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Lady & Luke sina Vince Maristela, Gilleth Sandico, Hannah Precillas, at Bodjie Pascua.

Katuwang din sa pagbuo ng kuwento ng Lady & Luke sina Aloy Adlawan, Creative Director, Creative Consultant Jojo Nones, Headwriter Agnes G. Uligan, at mga episode writer na sina Patrick Louie Ilagan at Loi Argel Nova.

Kasama rin sa team ang mga writer na sina Rona Lean Sales at Renei Dimla.

Phenomenal hit ang Maria Clara At Ibarra na gumanap si David bilang Pambansang Ginoo na si Fidel, kaya naitanong namin sa hunk Sparkle male artist  kung ano ang greatest o best lesson learned niya mula sa paggawa ng katatapos lamang na serye?

For me, siguro sa character, no matter how busy you are at marami kang kinakaharap sa daily life mo, kailangan mo pa ring maalala kung saan ka nanggaling.

“Pero minsan nakakalimutan nating maging kapatid, maging anak, maging kaibigan, kasi sa dami ng ginagawa natin.

“And I think like ako, as David Licauco, kumbaga natutunan ko kay Fidel na kailangan mo ring to take a step back and like you know, like talk to your parents, to your friends, to whoever na importante sa buhay mo.

“Kasi at the end of the day, kumbaga everything is like pinahiram lang naman sa atin.

“Kung ano ‘yung mayroon sa atin ngayon, like mawawala rin ‘to next time.

“And iyon kailangan hindi natin makalimutan kung saan tayo nanggaling,” seryosong pahayag ni David.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …