Friday , November 15 2024
Rey Valera RK Bagatsing

RK Bagatsing, kinarir ang pagganap bilang Rey Valera

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

GRATEFUL si RK Bagatsing na sa kanya ipinagkatiwala ang pagganap bilang Rey Valera sa pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera).

Ang pelikula ay kuwento ng iconic singer-songwriter na si Rey at ng mga totoong taong naging inspirasyon niya sa paglikha ng kanyang musika. 

Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Joven Tan at hatid ni Ms. Edith Fider ng Saranggola Media.

Ipinahayag ni RK na aware siyang hindi first choice para gumanap sa biopic ng music icon na si Rey Valera.

Aniya, “Alam ko po iyon and thankful ako kahit paano na naiisip nila ang pangalan ko kapag may roles na ganyan.

“Karamihan naman ng roles ko, hindi naman ako first choice and it doesn’t matter. I remember si Christian Bale na nagte-thank you kay Leonardo di Caprio sa mga roles niya kasi si Leo ang humahakot ng mga roles na laging first choice.

“Kaya ako, grateful ako kahit paano sinusuwerte at napagkakatiwalaan sa ganitong klaseng proyekto.”

Nabanggit din ni RK ang naging preparations niya sa pelikulang ito.

Kuwento ng aktor, “Bukod sa talagang araw-araw kong pinapakinggan ang mga kanta ni Sir Rey, siyempre, in-immerse ko rin ang sarili ko sa bawat kanta niya.

 Nanood din ako ng mga interviews at concerts niya.

“Tinulungan din ako ni Direk Joven kung ano ang gusto niyang makita on screen o kung ano ba ang gusto niyang ikuwento. First time kong mag-portray ng isang true-to-life character kaya medyo challenging siya lalo na at buhay pa iyong tao, hindi ba?”

Pahabol pa ni RK, “Thank God, kasi nagustuhan naman daw niya yung ginawa ko. Natuwa siya sa kinalabasan ng pelikula and I’m also thankful to Sir Rey na na-appreciate niya ang effort ko.”

Mapapanood na ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko simula sa Abril 8 bilang opisyal na kalahok sa MMFF summer film festival.

Tampok sa pelikula ang mga walang kamatayang awitin na pinasikat ng nasabing OPM icon tulad ng Kahit Maputi na ang Buhok Ko, Malayo Pa Ang Umaga, Mr. DJ, Pangako sa Yo, Kung Tayo’y Magkakalayo, Maging Sino Ka Man, Kung Kailangan Mo Ako, Tayong Dalawa, Ako si Superman, at ilan sa greatest hits ni Rico Puno.

Bukod kay RK, kasama rin sa cast ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko sina Christopher de Leon, Aljur Abrenica, Rosanna Roces, Lloyd Samartino, Gelli de Belen, Josh de Guzman, Lotlot de Leon, Jenine Desiderio, Meg Imperial, Ronnie Lazaro, Ara Mina, Arlene Muhlach, Pekto Nacua, Eric Nicolas, Dennis Padilla, Epy Quizon, Ariel Rivera, Ricky Rivero, Rico Barrera, Shira Tweg, Lou Veloso, Gardo Versoza, at iba pa, with Rey Valera as the narrator.

About Nonie Nicasio

Check Also

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz Dahlia Erwna Heussaff Anne Curtis

Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia

RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa …

GMA christmas station id 2024

GMA bosses, A Lister star pinagsama sa GMA Christmas Station ID

I-FLEXni Jun Nardo UMERE na  last Monday night ang GMA Christmas station ID. Pinagsama ang GMA …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …