Ipinahayag ni Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr, na ang buong puwersa ng Central Luzon police ay handang-handa sa pagpapanatili ng kanilang paninindigan sa pagpapatupad ng kampanya sa kaligtasan ng publiko para sa buong panahon ng bakasyon na tinawag na “LIGTAS SUMVAC 2023”.
Ayon sa Regional Director,“I gave directives to all Provincial/City Directors from the different Police Provincial/City Police Offices to ensure the safe and secure travel of motorists and commuters this coming Lenten Season and summer vacation. As a matter of fact, we will be deploying more than 1,000 personnel region wide starting April 1″.
Dagdag pa ng opisyal na ang presensiya ng kapulisan ay pinaigting sa pamamagitan ng pagdadagdag ng foot/mobile patrols at pagtatalaga ng mga Police Assistance Desks/Centers (PADs/Cs).
At pati na rin ang mga road safety marshals ay itatalaga sa mga convergence points partikular sa mga bus terminals, airport, seaports at recreational areas kabilang ang mga pangunahing lansangan at highways, main thoroughfares at crime prone areas para matiyak ang maximum police presence.
Inatasan din ni PBGenearl Hidalgo ang lahat ng commanders na makipag-ugnayan sa mga local government units (LGUs), non-government organizations (NGOs), at iba pang government entities at volunteer groups sa mga itinatag na Police Assistance Desks/Centers at pagtatalaga ng Road Safety Marshals para sa sama-sama at nagkakaisang pagbibigay ng serbisyong pangkaligtasan sa publiko at tulong.
Dagdag pa niya na ang mga elementong kriminal ay maaaring samantalahin ang pagkakataon sa mga taong nagkukumpulan tulad sa mga beach at iba pang tourist destinations habang nagsasagawa ng pamamahinga at paglilibang.
Isinaad din ng opisyal na, “I am calling for the cooperation of the public to prevent any crime in the community by providing authorities relevant and timely information through PRO3 hotline 0998-5985330/ 0917- 5562597 and social media ( Facebook page Police Regional Office 3),” he stated.
Ang “SumVac 2023” sa buong Central Luzon ay magsisimula mula Abril1 at magtatagal hanggang Mayo 31,2023.(Micka Bautista)