Sunday , December 22 2024

Bagong panangga ng Gcash sa scammers

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

MALAKI ang ambag ng mga financial apps sa pagtataguyod ng financial inclusion sa Filipinas. Ngunit sa sandamakmak na balita tungkol sa mga scam na nangyayari halos araw araw, ang tanong ng bawat Filipino: ligtas nga ba ang kanilang pinagsikapang pera rito?

Matatandaang naging patok sa mga Filipino ang paggamit ng mga financial apps simula noong pumutok ang pandemya. Pero, kaakibat ng pagdami ng mga gumagamit nito ay ang pagsulpot din ng sandamakmak na mga scams, na gumagamit ng mga socially-engineered at kapani-paniwalang pamamaraan ang mga kriminal sa likod nito upang nakawin ang mga personal na impormasyon at pera ng mga target nito.

Dahil dito, maraming financial apps ang naghigpit ng kanilang mga security measures.

Isa na rito ang GCash na nakipagtulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) upang protektahan ang higit 76 million users mula sa mga criminals, scammers, at fraudsters. Ang ugnayang ito ay nagbunga ng pagkakahuli sa mga scammers at pagkabuwag ng maraming kahina-hinalang accounts.

Bilang tugon sa mabigat nang suliranin, ang GCash ay patuloy na gumagawa at nagtataguyod ng mga modernong solusyon upang pagtibayin ang security features ng GCash app.

Nitong buwan lamang, inilunsad ng GCash ang DoubleSafe feature upang protektahan ang mga gumagamit ng app mula sa mga unauthorized account access sa pamamagitan ng paggamit ng face recognition technology. Ibig sabihin, hindi na sapat ang MPIN at OTP lamang upang mabuksan gamit ang ibang device ang account ng isang target na biktima; kailangan ang face scan ng may-ari upang tuluyang ma-access ang account.

Tuloy-tuloy din ang ginagawang financial education activity ng GCash, sa pamamagitan ng GSafeTayo campaign nito, upang paalalahanan ang mga users ng kanilang responsibilidad upang maiwasang maging biktima ng scam.

Ilan sa mga prevention tips na ibinahagi ng GCash ay ang mga sumusunod:

• Huwag buksan ang mga unfamiliar links at huwag magpadala sa mga pekeng papremyo at job offer na nangangako ng mataas na suweldo o posisyon nang walang basehan. Importanteng paalala: ang GCash ay hindi na nagsi-send ng links sa SMS, emails, at iba pang messaging apps.

• Huwag ibigay ang personal information sa mga nagpapanggap na GCash representatives. Ang GCash ay hindi humihingi ng OTPs at MPINs mula sa users, at gumagamit lamang ng official channels para makipag-usap sa kliyente nito.

• Kilatisin nang maiigi ang bibilhang tindahan dahil naglipana na ang mga fake sellers at shops na nangangako ng mga too-good-to-be-true deals.

Ang mga scams ay hindi lamang nangyayari sa Filipinas, ito ay laganap din sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Kaya naman ang bawat isa ay may responsibilidad upang protektahan ang ating mga sarili at account mula sa mga scammers.

Muli, ligtas nga bang gamitin ang mga financial apps? Oo, kung tayo ay mananatiling masinop sa paggamit ng ating mga account. Sa huli, ang benepisyo na naibibigay ng mga financial apps katulad ng GCash ay higit na matimbang at nakatutulong sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng bawat Filipino.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …