Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marvin Agustin COCHINILLO

Marvin itutuloy pagiging hari sa pagluluto

HARD TALK
ni Pilar Mateo

COCHINILLO!

Lechon ‘yun. Maliit lang. Ang crispy. Kaya ang panghiwa nga, plato lang.

Nagpauso? ‘Yung aktor na si Marvin Agustin. Na nang mag-lie low sa showbiz, nagtuloy-tuloy lang sa dati na niyang ginagawa o nasimulan ng negosyo. Pagkain.

Dumami na nga ang mga restoran ng aktor. Iba’t ibang drama ng paghahain ng mga pagkain. May Japanese. May Mediterranean. May Pinoy. Mayroon nga ‘yung in-a-box sa mga kiosk.

Hanggang dyan nga kay Cochinillo. Na inihahain kasama ang mga oyster doon sa Cochi Bistro sa Corporate Center ng BGC.

Tapos?

Eto na nga. Nakipag-join forces siya sa Crown Artist Management Inc. (CAM) ng mag-asawa-to be na Maja Salvador at Rambo Nuñez. 

O, may career na. Kailangan pa ng manager o management? Sa cooking?

Iku-continue lang naman daw ni Marvin ang kanyang passion. Living life to the fullest. Kasama ang kambal niyang sina Sebastian at Santiago

Para kay Rambo, multi-talented artist si Marvin. Kaya  sa harap man ng kamera o sa harap ng kalan, si Marvin ang Hari, ang #cooKING. 

Kilala na si Marvin sa food industry. Bukod sa Cochi Bistro, nandyan pa rin ang Kondwi, Secret Kitchen, at ang Wolfgang Steakhouse PH.

At dyan pa rin naman daw sila magko-concentrate ng CAM. Sa kanyang culinary expertise at paghahatid nito sa mas malawak na audience.

Kaya abangan na natin ang patuloy pang pag-alagwa ng nami-miss din naman ang kanyang showbiz life.

Isa na nga ang pakikipag-tsikahan sa press. And as usual, wala pa ring malinaw na mage-get when it comes to his lovelife. Though, marami naman ang nagsasabi na mayroon naman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …