Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu

Mahigit PHP 1.5-M halaga ng shabu nakumpiska sa Bataan

Inihayag ni Central Luzon Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr na ang Bataan police ay nakakumpiska ng mahigit Php 1.5M halaga ng shabu at nakaaresto ng dalawang indibiduwal sa isinagawang anti-drug operations nitong Lunes, Marso 27 sa mga bayan ng Abucay at Mariveles.

Sa ulat mula sa Bataan PPO, ang magkasanib na mga tauhan ng Bataan Provincial Police Drug Enforcement Unit at Mariveles MPS ang nagkasa ng anti-illegal drug operation (buy bust) sa bahagi ng Brgy. Alasasin, Mariveles, Bataan.

Nagresulta ito sa pagkaaresto ni  Rommel Limboc y Guevarra at pagkakumpiska ng isang  brown sling bag na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na humigit-kumulang ay may timbang na 150 gramo at halagang PhP1,020,000.00 at Php 1,000.00 marked money.

Samantalang ang mga tauhan ng Abucay MPS ay naaresto si  Celso Soriano Rubiano sa inilatag na  check point operation sa bahagi ng National Road, Brgy. Laon, Abucay, Bataan.

Si Rubiano habang sakay ng minamanehong black Honda CBR 150cc ay pinara ng mga awtoridad sapagkat  over speeding bukod sa hindi pagsusuot ng helmet.

Nang hingin ng operating team ang kanyang driver’s license ay naispatan ng mga pulis ang isang malaking selyadong pakete ng plastic na naglalaman ng shabu na humigit-kumulang ay may timbang na  25 gram na may halagang mahigit sa Php50,000.00.

Appropriate charges for violation of RA 9165 were referred to the court.

PBGEN HIDALGO JR commended Bataan police for a job well done and further stated that the entire Central Luzon cops are committed to stop the proliferation of illegal drugs in the region.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …