Sunday , December 22 2024
Coco Martin

Coco ilang beses na-reject noon ng ABS-CBN dahil sa pagiging bold actor

RATED R
ni Rommel Gonzales

REBELASYON ang kuwento ni Coco Martin sa premiere ng Apag na noong mga panahong ginawa niya ang mga sexy indie films na Masahista at Serbis ay nakararanas siya ng rejection dahil isa siyang “bold actor”

Una ay sa isang soap opera ng ABSCBN na sana ay ka-love triangle siya nina Shaina Magdayao at Rayver Cruz, may inquiry na sa manager niyang si Brillante Mendoza para kunin sana siya sa show pero makalipas ang ilang araw ay nalaman niyang hindi siya natanggap dahil isa siyang “bold actor.”

Sumunod, sana ay gaganap siyang bading na bestfriend ni Judy Ann Santos sa isa pang soap opera nguni’t ganoon din ang nangyari, makalipas ang ilang araw ay nakatanggap ng tawag si Brillante upang sabihin na hindi nakapasa si Coco dahil isa itong “bold actor.”

Pero ngayon, si Coco na ang Hari ng ABS-CBN na maraming taong umere ang hit serye niyang Ang Probinsyano.

Samantala, maganda ang kuwento at twist ng Apag, masarap sa mata ang sinematograpiya at kagulat-gulat ang ending.

Nasa Apag bukod kay Coco sina Shaina, Jaclyn Jose, Gladys Reyes, Lito Lapid, Mercedes Cabral, Vince Rillon, Ronwaldo Martin, Julio Diaz, at Ms. Gina Pareño.  

Entry ito sa unang Metro Manila Summer Film Festival na ipalalabas sa mga sinehan simula April 8.

Mula ito sa Center Stage Productions at Hongkong International Film Festival Society at kay Brillante rin na co-producer ng pelikula.

Ginanap ang celebrity premiere ng Apag sa SM North Edsa Cinema 2 (The Block) Martes, March 28 na sponsored ng SM Cinemas at ang SM North Edsa ang event partner.

Nais ding pasalamatan ng produksiyon si Ms. Millie Dizon ng SM.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …