Friday , November 15 2024
gun dead

     Brgy. kagawad patay sa pamamaril ng nakamotorsiklong gunman

Patay ang isang opisyal ng barangay matapos pagbabarilin ng nakamotorsiklong salarin sa lansangan ng Brgy. Bagbaguin, Sta.Maria, Bulacan kahapon ng umaga, Marso 29.

Sa ulat mula kay PLt.Colonel Christian B. Alucod, hepe ng Sta.Maria Municipal Police Station (MPS), ang biktima ay kinilalang si Aldrin Santos y Ativa, 38-anyos, brgy.kagawad at residente ng Poblacion 2 Justino Cruz Marilao, Bulacan.

Inilarawan naman ang salarin sa krimen na nakasuot ng puting helmet, puting jacket at itim na short pants na armado ng hindi pa malamang uri ng baril na tumakas sakay ng isang Honda TMX na kulay itim.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga kahapon, habang ang barangay kagawad ay nasa harap ng JPMS Driving School sa Brgy. Bagbaguin at nakikipag-usap sa kanyang tiyuhin nang ang suspek na armado ng pistola ay binaril ang biktima ng tatlong beses na tinamaan sa katawan.

Matapos isagawa ang krimen ay nagmamadaling tumakas ang salarin na sakay ng kanyang motorsiklo papunta sa direksiyon ng Brgy. Turo, Bocaue, Bulacan.

Samantalang ang biktima ay mabilis namang isinugod ng mga nagrespondeng mamamayan sa Bocaue Specialist Medical Center sa Bocaue, Bulacan subalit nasawi rin dahil sa malubhang tama ng bala na tinamo sa katawan.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Sta.Maria MPS para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkadakip ng suspek. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …