HARD TALK
ni Pilar Mateo
SA taong ito na nga lalagay sa tahimik ang aktres na si Maja Salvador at ang kanyang minamahal na si Rambo Nuñez.
Magkatuwang ang dalawa sa Crown Artist Management, Inc. (CAM) na humahawak na sa mga karera nina Meryll Soriano, Miles Ocampo at marami pa.
Hindi pa kompleto ang detalye sa magiging beach wedding nina Maja at Rambo. Na ang proposal ay naganap sa tahanan ng kapatid ni Rambo na si Yahnee at kabiyak nito na si Chickoy sa El Nido, in Palawan.
Iniisip pa nila kung mauuna ang kasal sa ibayong dagat o rito na sa bansa.
Halata namang handang-handa na sina Maja at Rambo sa pagtahak sa panibagong yugto ng buhay nila.
It always a breeze na makita si Maja. Lalo pa at kasama nito ang Mommy Thelma niya sa launching ni Marvin Agustin as their new talent sa Cochi Bistro.
Siyempre nasa career path pa rin naman daw si Maja sa pagganap sa TV man o sa pelikula.
At ‘di naman ito hahadlangan ng kanyang hubby-to-be.
Sa Palawan nga, nagbukas na rin sila ng negosyo ni Rambo, ang Almacen.
Sa kasal nila, mukhang aapaw ang ‘sangkaterbang cochinillo, as promised by Marvin.