Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Nagawang baklasin ng mga ahente ng Philippine Enforcement Agency Region III (PDEA-3) ang isang makeshift drug den at naaresto ang limang indibiduwal sa ikinasang  buy-bust operation sa Barangay Dapdap sa Mabalacat City, Pampanga kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng team leader ng PDEA ang mga arestadong suspek na sina Raymond Galang y Baluyut @Eba, 34;  Noel Galang y Baluyut @Pambok,29; Policarpio Galang y Valencia @Pulak, 60; Regine Ayson y Lumanlad, 32; at John Mark Serrano y Mangacu , 29.

Ang operasyon ay nagbunga sa pagkakumpiska ng siyam na pakete ng plastic na naglalaman ng humigit-kumulang sa 12 gramo ng shabu na nagkakahalagang Php 82,800.00; assorted drug paraphernalia; at buy-bust money.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek sa korte.(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …