Friday , November 15 2024
COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na bumaril at nakapatay sa hepe ng San Miguel MPS sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado ng gabi, 25 Marso.

Sa isinagawang press conference, sinabi ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo, ang composite sketch ay makatutulong na mapabilis ang operasyon laban sa mga suspek na pumatay kay  P/Lt. Col. Marlon Serna.

Nabuo ang composite sketch matapos ang ginawang panayam ng mga pulis sa mag-asawa sa Brgy. San Juan na pinagtangkaang holdapin ng mga suspek bago naganap ang pamamaril.

“Na-describe no’ng asawa ‘yung isa, kasi siya ang nakipagbuno doon sa mga suspek,” ani Fajardo.

Ang tangkang pagnanakaw ay nagresulta sa pagkasugat ng misis ng napaslang na biktima, na nabaril sa tagiliran at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Ayon kay Fajardo, ito ay kaso ng pagnanakaw na nag-udyok kay Serna at kanyang mga tauhan na tugisin ang mga magnanakaw, na nagresulta sa enkuwentro sa kalapit-bayan na San Ildefonso.

Kasalukuyang nagsasagawa ng checkpoint at hot pursuit operations ang pulisya laban sa mga nakatakas na suspek, ang isa ay sinabing sugatan.

“Nataga kasi no’ng victim ‘yung isa sa kanila noong sinubukan silang holdapin, so duguan ang isa. ‘Yun din daw ang napansin ng mga pulis nang subukang harangin, na sugatan ‘yung backride ng motor,” dagdag ni Fajardo.

Dinala ang labi ni Serna sa bahay ng kanyang pamilya sa Nueva Ecija.

Samantala, umabot sa P1.2 milyon ang pabuyang naghihintay sa makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng mga suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …