Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krista Miller Nika Madrid Andrew Gan

Krista Miller nanligaw ng babae

RATED R
ni Rommel Gonzales

PASABOG ang rebelasyon ni Krista Miller na siya ay nanligaw na ng babae.

Pero ano ‘yun, siguro parang mga, during that time siguro parang may ano pa ako niyon, may identity crisis, ‘yung mga ganoon. Parang ano pa ako noon eh, high school.

“Kasi mga kaibigan ko mga lesbian, mga ano, so na-attract din talaga ako sa girls.

“Pero ayun, okay naman.”

Inamin din ni Krista na nagkaroon siya ng relasyon sa kapwa niya babae.

Opo, pero ‘yun talaga high school pa ako talaga noon.”

Hanggang saan umabot ang relasyon nila ng naturang babae?

Ah hindi na siya umabot sa ano, sa point na may mga touch-touch na.

“Noong hinawakan na niya ‘yung kamay ko, sabi ko, ‘Hindi ko kaya’,” at tumawa si Krista.

Sa tanong naman kung gaano katagal silang magkarelasyon, “Parang ano kasi eh, parang naging ano kami eh, mas naging ano, naging magkaibigan.

“Nagsimula kasi iyon noong nagdyu-join ako ng mga beauty pageant dati, siyempre puro mga babae kasama mo. Tapos parang may nakita ako roon na giniginaw siya tapos ayun ibinigay ko ‘yung jacket ko sa kanya.

“Doon na nagsimula.”

Kandidata rin sa naturang pageant ang babaeng tinutukoy ni Krista na naging karelasyon niya dati.

So ayun na naging ano na kami, naging close na kami tapos  ayun, siya ‘yung gumagawa ng homework ko,” at muling tumawa si Krista.

Mapapanood si Krista bilang si Cristina sa Upuan sa online streaming ng AQ Prime na leading man niya si Andrew Gan bilang si Sean at leading lady naman ni Krista si Nika Madrid bilang si Nessie, sa direksiyon ni Greg Colasito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …