Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Romm Burlat Pira-Pirasong Pangarap

Direk Romm, biggest project ang Pira-Pirasong Pangarap

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Direk Romm Burlat na ang pelikulang Pira-Pirasong Pangarap ang biggest project niya to date.

Bigatin ang tentative cast nito na kinabibilangan nina Gabby Concepcion, Jake Cuenca, William Martinez, Lovely Rivero, Jhane Santiague, at iba pa. Introducing sa pelikula si Diego Versoza, na bagong talent ni Direk Romm. Ang producer naman nito ay si Alexander Lopez.

Pahayag ni Direk Romm, “So far, Pira-Pirasong Pangarap is my biggest project to date. My scriptwriter is the one who wrote for Ma’Rosa which gave Jaclyn Jose her Best Actress award at Cannes, si Troy Espiritu.

“Editor is one of the best and first in the Philippins na 3D storyboard ang gagamitin sa Pira-Pirasong Pangarap, na ginagamit lang sa Hollywood at Korea.”

Final na ba ang casts niyan? Tugon niya, “Hindi pa final ang cast, Gabby and Jake are waiting for the script to finish.”

Ang Pira-Pirasong Pangarap ay life story ni Mayor Josemarie Diaz, Mayor sa City of Ilagan, Isabela. Nabanggit ni Direk Romm na very interesting ang life story niya.

Ayon pa kay Direk Romm, ang start ng shooting nito ay malamang na sa second or third week of May.

Anyway, katatapos lang gawin ni Direk Romm ang isang commercial, then, may kasunod agad itong movies. Bukod nga sa Pira-Pirasong Pangarap, ang dalawa pang pelikula niya ay ang Manang at Bang-Aw.

“Ang pelikulang Manang ay mula TTP Productions na ang producer ay si Ms. Teresita Pambuan. Ang casts naman ay sina Julio Diaz, Sabrina M, Janice Jurado, Tess Tolentino, Carl Vincent Cruz, at iba pa,

“Ang takbo ng story ng Manang, this is about an exemplary teacher, a model teacher but a problematic mother,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …