Friday , November 15 2024
Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal na droga, nitong Linggo, 26 Marso.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, dinakip ang 10 kataong sangkot sa kalakalan ng droga sa serye ng anti-drug busts na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units (SDEUs) ng Meycauayan, Pandi, Guiguinto, at Calumpit C/MPS.

Kabilang sa mga dinakip ang pitong tulak na nakatala sa PNP drug watchlist, kinilalang sina Bryan Joe Maula, alyas BJ; Dante Pascual, Jr., alyas Jon; Joji Flores, Jonathan Reyes, Roberto Lardizabal, alyas Chok; Gio Tolosa, at Romulo Sanglay, alyas Molong.

Isinailalim sa kustodiya ng pulisya sina Roy Catacutan, Maricar Garcia, at Ronel Garcia alyas Tyson na isinasangkot din sa kalakalan ng droga.

Sa kabuuan, nasamsam ng pulisya sa ikinasang mga operasyon ang 36 pakete ng hinihinalang shabu, sari-saring drug paraphernalia, at buy-bust money.

Ayon kay P/Col. Arnedo, nagpapatunay ito na ang pulisya sa Bulacan ay nagpapakita ng katapangan at dedikasyon sa pagsupil ng ilegal na droga.

Ito ay nakahanay sa direktiba ni Regional Director PRO3 Jose Hidalgo, Jr., na mapanatili ang momentum na ang rehiyon kabilang ang Bulacan ay maging drug-free area. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …