Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mystica Stanley Villanueva

Mystica sobra-sobra ang pagdadalamhati, anak pumanaw

MA at PA
ni Rommel Placente

SOBRANG malungkot ngayon ang novelty singer na si Mystica. Pagkatapos kasing mamatay ang apo niya noong October ng nakaraang taon, na anak ng kanyang anak na si Stanley Villanueva, ay ito naman ang pumanaw.

Kaya sobrang nagluluksa si Mytica ngayon, lalo na’t namatay ang anak na nasa Las Vegas,  Nevada siya dahil doon na nagtatrabaho bilang singer-entertainer.

Matinding sakit at pangungulila ang nararamdaman niya ngayon sa magkasunod na pagyao ng apo at anak.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, ibinahagi ng singer-perormer, ang malungkot na balita. Aniya, namatay si Stanley nitong March 19 dahil sa Cardiomyopathy o Enlargement of the heart, Liver Cirrhosis, at Pneumonia.

Sabi ni Mystica, hindi pa sigurado kung makakauwi siya ngayon sa Pilipinas para sa libing ng anak pero gagawin niya ang lahat para mabigyan ito ng maayos na libing at matustusan ang mga pangangailangan ng pamilyang kanyang naulila.

Nakikiramay kami kay Mystica.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …