Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marco Gumabao Cristine Reyes

Marco sa relasyon nila ni Cristine — mas masarap na private lang, walang nakiki-usyoso

MA at PA
ni Rommel Placente

MADALAS makita na magkasama sina Cristine Reyes at Marco Gumabao

Kamakailan ay nakita rin sila sa Makati na magka-holding hands pa. 

Kaya naman sa isang panayam kay Marco, diretsahang tinanong siya kung sila na ba ni Cristine.

“Basta, you’ll find out when the time is right,” nakangiting sagot ni Marco.

Nais lang daw nilang maging pribado ni Cristine sa ngayon.

“Hindi rin naman sa hindi pa right time, pero siguro we’re just enjoying ‘yung time namin na kami muna, wala munang nakikialam, nakiki-usyoso.

“Kasi, the reason why I’m very private when it comes to love life is because kapag nalaman ng tao na, for example, you’re dating this woman, maraming makikigulo.

“Maraming eepal, maraming maninira. ‘Yun ang ayoko.

“And at the same time, happy naman kami sa tahimik na buhay.”

Binigyan-diin din ni Marco na wala silang idine-deny ni Cristine sa pagkakamabutihan nila.

“Yeah, hindi naman kami nagde-deny ni Cristine. Of course, napag-usapan na rin namin to, we’re not denying anything.

“Unang-una, wala naman kaming tinatapakan. We’re both single.

“So parang mas masarap na private lang, walang nakiki-usyoso,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …