MA at PA
ni Rommel Placente
SA panayam ni Darla Sauler kay Jane de Leon sa Kumu, tinanong ng una ang huli kung sino ang una nitong naiisip kapag napag-uusapan ang women empowerment.
Ang sagot ni Jane ay si Angel Aquino.
Ibang klase raw kasi ang tapang, talento, at ugali ni Angel na kino-consider niya bilang isa sa mga talagang empowered women sa entertainment industry.
Sabi ni Jane, “Si Ms. Angel Aquino, she’s like a mother-ate and bestfriend to me. Si Ms. A kasi ang sarap niyang kasama kasi hindi siya nagdya-judge ng ibang tao,” papuri ng dalaga sa award-winning aktres na hindi tumatanda kahit nadadagdagan ng edad.
Patuloy pa niya, “‘Yung nagustuhan ko sa kanya nili-lift up niya lagi ‘yung mga kasama niya, mga co-artist niya at tinutulungan niya lagi and isa ako roon that’s why I’m really blessed. Up until now mayroon pa rin kaming communication.
“Sobrang humble niya talaga at hindi mo mararamdaman na may ere siya, sobrang bait niya talaga. Nanay siya for me, eh.”
Ang isa pa sa hinahangaan ni Jane sa pagiging matapang at palaban ay ang co-star niya rati sa Darna na si Janella Salvador na gumanap bilang Valentina. Aniya, ibang klase ring babae ang celebrity mom.
Sabi niya patungkol kay Janella, “I really do love her because of being a strong person and despite of everything na nangyari rin sa kanya, naging mother siya and ‘yung kanyang ex-lover, nakita ko ‘yung progress niya, eh kung paano siya naging strong woman.”