Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arci Muñoz Njel de Mesa

Arci Munoz at Direk Njel, ratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKATAKDANG simulan nina Arci Muñoz at ng writer-director-producer and Palanca awardee na si Direk Njel de Mesa sa last week ng April 2023 ang latest collaboration nila via the movie JejuVu.

Parehong Executive Producers dito ang dalawa at si Arci ay Artistic Director sa mga ginagawa nilang projects.

Kahit patapos pa lang ang shooting ng “Kabit Killer” na tinatampukan din ni Arci at mula sa pamamahala ni DirekNjel, may kasunod na agad silang project.

Plus, katatapos lang ng shoot nila sa Indonesia ng travel and food lifestyle show naman na “Arci’s Mundo”. 

Sadyang ratsada sa kailwa’t kanang projects ngayon si Arci. Of course ito’y sa pakikipag-collab niya kay Direk Njel.

Excited na ibinalita nina Arci at Direk Njel na ang pelikula ay isang romantic comedy na sa South Korea pa kukunan at itatampok ang  magagandang atraksiyon sa Jeju Island.

Dito ay nabanggit din ng aktres na matagal na talaga niyang gustong gumawa ng pelikula sa South Korea.

Pahayag ni Arci, “Dream ko talaga ang makagawa ng movie in Korea and to be recognized internationally.

“This is something I really love. This is the first time I’ll be in Jeju, lagi lang kasi ako sa Seoul everytime I’m in Korea in business meetings.”

Pagpapatuloy pa ng magandang aktres, “Excited ako about everything because I have something to share not only to my co-armies kundi pati na sa K-drama lovers. Looking forward din ako to work with other actors na hindi Filipino.”

Nabanggit naman ni Direk Njel na ang idea ay mula sa script niyang matagal nang nakatago na ang istorya, may isang babae at isang lalaki na parang soulmate sila, pero sa panaginip lang nagkikita.

Na sa kanilang pagising daw ay hindi nila kilala ang isa’t isa at kapwa nila hinahanap ang isa’t isa.

“It was the perfect moment to realize my old script. Pero medyo we had to revise the script to the specifications ni Arci,” sambit ng prolific na direktor.

Pahayag pa ni Arci, “Basta ibinigay siya ni Lord, very optimistic akong tao. I go with the flow and I believe that everything that happens in this world, talagang ibinibigay ng universe sa akin.

“Gina-guide talaga ako ni Direk Njel at mine-mentor and with his guidance, I know I’m on the right path.

“Importante na nagagawa ko kung ano ang nagpapasaya sa akin. I’m just passionate about it, anything naman kaya rin kami gumawa ng travel show kasi I want to learn different cultures.

“Very important din sa akin na sa Korea siya gagawin, because I’m a big fan,” wika pa ng aktres na isang certified K-pop fan.

Isa pa sa kaabang-abang sa pelikulang JejuVu ay kung sino ang Korean star na magiging kapareha o katambal ni Arci. Pero ngayon pa lang ay todo-kilig na aktres hinggil sa bagay na ito na bawal pa raw i-reveal.

Kaya ngayon pa lang ay tiyak na marami ang tututok sa proyektong ito na by September of this year daw planong magkaroon ng premiere night.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …