Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid Bianca Umali Mikee Quintos

Ruru nagsisi, Mikee eeksena na sa RuCa

RATED R
ni Rommel Gonzales

FAST-PACED at world-class. Ito ang ilan sa mga feedback ng viewers sa latest series na The Write One na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Bianca Umali.

First few episodes pa lang, ipinakita na ang emotional wedding scene ng RuCa na pinusuan ng manonood. Pero sabi nga ng karakter ni Ruru na si Liam, hindi ito kuwento ng happy ever after pero kuwento pagkatapos ng happily ever after. Reality bites at struggle is real ‘ika nga – ngayong kasal na sina si Liam at Joyce (Bianca), rito nila mare-realize na hindi madali ang buhay pamilyado. At dahil sa mga desisyon ni Liam ay nalagay sa panganib ang buhay ng kanilang anak. Sa laki ng pagsisisi niya, hihilingin ni Liam na mabago ang past at somehow, gamit ang lumang typewriter ng kanyang yumaong ina (Lotlot de Leon), magigising si Liam na iba na ang kanyang kasalukuyang buhay. Wala na sa eksena sina Joyce at Dex (Euwenn Mikaell Aleta). Pero ano ito, bakit sa halip na si Joyce ang kasama niya, si Via (Mikee Quintos) na ang karelasyon ni Liam?

Excited na ang marami sa mga susunod na episodes kaya naman kahit may advance episodes sa Viu, tinututukan pa rin ng viewers gabi-gabi ang The Write One sa GMA Telebabad after Hearts on Ice.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …