HARD TALK
ni Pilar Mateo
SAGLIT na mawawala sa kanyang desk ang Chairwoman ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) na si Lala Sotto. Para dalawin ang kanyang anak na nag-aaral sa Amerika at spring break ngayon.
Natapos na ni Chair Lala at ng kanyang Board ang ikatlong buwan sa kanilang pagse-serbisyo para sa responsableng panonood.
At habang wala si Chair, ang Bise niyang si direk Njel de Mesa muna ang ‘ika nga ay “taong-bahay.” Kaya wala munang shoot si Direk Njel hanggang makabalik si Chair.
Bago umalis si Chair, nagkaroon din sila ng pulong kasama ang bumubuo ng Philippine Cable and Telecommunicarions Association, Inc. (PCTA), “about the challenges that the industry is facing and how we can worm together to address them,” aniya.
Ang PCTA ay ang umbrella organization ng nationwide Cable Television Operators and Internet Service Providers in the Philippines. Its membership roster includes the biggest cable operators in the country, as well as the medium and small cable operators, who, through their painstaking efforts, have succeeded in bringing up-to-date programs, information, and technology to the farthest island in the country. To date, the PCTA has over 300 regular members, serving 75% of the total cable TV subscribers in the Philippines.
Ang PCTA representatives na nagsidalo para sa pulong ay ang pangulo nito, Venancio Lo, katuwang sina Mr. Cedric Sazon, Ronaldo Manlapig, and Grace Arcilla. Present at mula naman sa MTRCB, sina Chairperson Lala, Chief-of-Staff Bobby Diciembre, Chief Legal Counsel Atty. Cyris Nag-Santiago and Registration Officer IV Gloria Bismanos.
Sari-saring serbisyo ang patuloy na inihahatag ng MTRCB na umaabot din sa ibayong dagat.