Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arci Muñoz Kim Soo Hyun So Ji Sub Lee Jong Suk Lee Min Ho Song Jung Ki Hyun Bin

Arci wish makapareha sinoman kina Kim Soo Hyun, So Ji Sub, Lee Jong Suk, Lee Min Ho, Song Jung Ki, at Hyun Bin

HARD TALK
ni Pilar Mateo

OPPA na nga lang ang masasabing kulang sa buhay ng isang Arci Muñoz.

Ayon sa Google, kung titingnan natin ang listahan ng mga highest paid actor sa nasabing bansa, mangunguna riyan si Kim Soo Hyun. At susunod sa kanya sina So Ji Sub, Lee Jong Suk, Lee Min Ho, Song Jung Ki, at Hyun Bin. Actually nasa 20 ang nakalista as of February 2023.

O, bakit nabanggit ko ang mga ‘yan?

Kasi, ang susunod na proyekto ni Arci, nila ni Direk Njel de Mesa ng NDM Productions ay ang nabuo lang nila habang tinatapos ang mga eksena ng aktres sa Kabit Killer doon sa Cambodia. Tatlong bansa ang inikutan ng shoot nila. Malaysia, Singapore and Cambodia. 

Nang maupo sila after a hard day’s work para mag-unwind, naramdaman ni Direk Njel na parang nangyari na ‘yung ganoong eksena sa kanila. Deja Vu!

So, umarangkada na naman ang lagi nilang magkatugmang pag-iisip. Gawa raw sila o ituloy na raw nila ‘yung una nilang naisip na JEJU MON. Kasi nga ang next target nila eh South Korea na. Hanggang nauwi na sa Jeju Vu ang susunod na proyekto ng walang kapagurang tandem.

Since nangangarap na rin lang ang naniniwala sa ibinibigay ng Panginoon sa kanya, wini-wish ni Arci na Korean Superstar o that caliber man lng ang makasama niya sa pelikula.

Kaya within this week magaganap ang usapang pirmahan ng kontrata sa nasabing “oppa.”

Zero ang lovelife ni Arci. Kaya nagtataka naman siya at pilit siyang iniuugnay sa isang SZ. Na kaibigan naman daw niya.

For all her endeavors now, ang Mama niya ang palaging kasama ni Arci, lalo na sa pag-iikot sa ibang bansa with her projects.

Ang dami naman kasing alam na gawin. Modelo. Singer. Painter. Author. Ngayon involve na involve sa produksiyon. Ginigiya na ni direk Njel ang daraanan niya para maging isang direktor. Alam na rin kasi nito ang pasikot-sikot sa produksiyon. O, alam na alam niya ang kahalagahan ng pagtatabi ng mga resibo as line producer. Pati wardrobe may mata siya. At nahihiya na ang make-up artists sa kanya dahil mahusay din siyang mag-make-up.

Marami ng in the can na movies si direk Njel. Hinihintay na ang release ng Kabit Killer na plano na ring iikot sa iba’t ibang festivals.

Ibang adventures naman ang haharapin ni Arci sa Jeju Vu na kukunan ang kabuuan sa Jeju Island sa South Korea.

This time kaya, matagpuan na ng “Noona” ang kanyang “Oppa”?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …